Sino sa inyo ang naipit sa ipinatupad ng “lockdown” ng gobyerno sa kasagsagan ng pagdating at pag-alis ng mga state leader at delegado ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit nitong nakaraang linggo?

Ilang oras na walang galawan ang mga sasakyan nang isara ang ilang pangunahing lansangan tulad ng EDSA, Roxas Blvd., Osmena Highway, Skyway, Airport Road at sa mga kalapit lugar.

Hindi lamang ang mga gumagamit ng pribadong sasakyan ang nakaranas ng ilang araw na kalbaryo. Paralisado rin ang biyahe ng mga pamapasaherong jeep at bus sa maraming lugar.

Oo nga’t ilang buwan bago idinaos ang regional summit ay nag-anunsiyo ang ilang ahensiya ng gobyerno na isasara ang ilang lansangan upang matiyak ang seguridad ng 21 state leader at kanilang delegasyon na darating sa bansa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pero diyos ko pong mahabagin! Sino bang mag-aakala na magpapatupad ang gobyernong ito ng “total lockdown” sa mga major thoroughfare?

Daig pa ang mga pangyayari sa serye ng coup de ‘etat laban sa administrasyon ni noo’y Pangulong Aquino na tanging ang EDSA sa bahagi ng White Plains at Santolan Road ang isinara ng pulisya laban sa mga nagkalat na “usi”o usisero.

Hindi rin naman ganitong klase ng pagdurusa ang inabot ng Metro Manila sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa noong Pebrero.

Tanggap naman ng mga Pinoy na maselan sa seguridad ang mga VIP na dumagsa para sa APEC meeting subalit walang umakala na magiging ganitong “ka-O.A.” o overacting ang gobyerno…pang-FAMAS awards!

Nakaaawa ang libu-libong mamamayan naglakad ng kilo-kilometro dahil napilitang bumaba sa kanilang sinasakyan dahil hindi na umuusad ang mga sasakyan.

Dalawang araw bago ang itinalagang holiday ni PNoy, buhul-buhol na ang trapik sa Metro Manila bunsod ng dry run sa ilalatag na seguridad.

Sa mga sumunod na araw, hindi na bumiyahe ang halos 50 porsiyento ng bus dahil praning na sa trapik.

Hindi tuloy natantsa ng Presidential sister na si Kris Aquino ang pagbibiro nito sa kanyang inabot na sunburn nang samahan ang misis ng mga state leader na mamasyal sa Intramuros, Manila bilang bahagi ng APEC event.

Sana’y may isang pasahero na nagpaskil sa social media na nagpaltos ang kanyang talampakan sa kalalakad sa kahabaan ng EDSA.

Tingnan ko lang kung masasabi ni Kristeta na “patas lang tayo” sa dinanas.

Miyerkules na nang isulat ito subalit hindi pa rin nagpaparamdam si PNoy matapos ang APEC trauma.

Zzzzzzzzzzzzzzz!

(Email address: [email protected]) (ARIS R. ILAGAN)