Andi-Eigenmann copy copy

CURIOUS kami kung anong rating ang ibibigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann na idinirek ni Carlo J. Caparas.

Batay kasi sa kuwento ng kilalang nobelista at direktor, mas matitindi ang rape scenes dito kumpara sa mga eksena ni Hilda Koronel sa pelikulang idinirek ni Lino Brocka noong 1980.

Inamin ni Andi na nahirapan siya sa rape scenes na isang linggo nilang kinunan dahil hindi madali ang mga ipinagawa ni Direk Carlo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sabi ng taga-Viva, ngayong araw pa lang mapapanood ng MTRCB ang Angela Markado. Isama na rin natin ang Cinema Evaluation Board (CEB) kung A or B ang ibibigay nila sa Angela Markado.

Sobra-sobra ang papuri ni Direk Carlo kay Andi. Hindi raw siya nahirapang kumbinsihin o turuan kung ano ang gagawin nito sa mahihirap at madugong eksena. Go lang nang go si Andi sa panggagahasa at pag-torture sa kanya ng limang rapist.

“No offense meant sa mga youngstars natin ngayon, ha, pero gusto ko lang sabihin na walang perfect gumanap sa role ni Angela Markado kundi si Andi lang,” sabi ni Direk Carlo. “Aside from being a good actress, she’s very professional at wala siyang arte, lahat ng eksenang kailangan sa pelikula, ginawa niya, at walang double.”

Mahirap talagang gawin ang rape scenes kaya mahirap ding magkumbinsi ng mga kilalang artista ngayon lalo’t mga wholesome project naman ang uso.

 

Sabi naman ni Andi sa mga papuri sa kanya ni Direk Carlo, “Ako naman kasi ginagawa ko lang ang trabaho ko, tinanggap ko ang project na ito kaya dapat panindigan ko. Actually, mahirap siya, aside du’n sa emotions na kailangan mong ipakita, napakahirap din ng action stunts. And ang hahaba ng mga eksena.

“You know what, we had so much fun shooting that rape scene, hindi nila ako pinabayaan. Actually, naging magtotropa na kaming anim. Matagal na naman talaga na magkakatropa kami. Pero sa set namin ngayon, ang saya.”

Ang mga binabanggit ni Andi na gumaganap na rapists ni Angela Markado na naging tropa niya ay sina Epy Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales at CJ Caparas (anak nina Direk Carlo at Donna Villa).

Aminado si Andi na nagkaroon siya ng mga sugat sa rape scenes.

“Hindi naman maiiwasan ‘yun, hinanda ko na ang sarili ko. Medyo may mga aksidente, like ‘yung nadadapa, but nothing major naman talaga.”

 

Mapapanood na ang Angela Markado simula Disyembre 2, at kasama rin sa cast sina Anna Roces, Marita Zobel, Bret Jackson, Bembol Rocco, Mika dela Cruz, Buboy Villar, Bugoy Cariño, Ysabelle Peach with special participation of Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta produced ng Oro De Siete Productions at Viva Films.

(Reggee Bonoan)