MUKHANG no-stopping na ang trabaho nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pelikula, television, at TVC shoots ng kanilang mga iniendorsong produkto.

Tinatapos nila ang shooting ng My Bebe Love para sa coming Metro Manila Film Festival sa December. Noong Tuesday, wala si Alden sa kalyeserye at nag-usap lamang sila ni Yaya Dub sa telepono. Nag-aalala si Yaya dahil nga biglang umalis si Alden sa studio last Monday nang pilitin ni Lola Babha (Ai Si delas Alas) na ipakasal sa Russian model na si Cindy.

Ang totoo, nasa shooting lamang si Alden at after ng kalyeserye ay tumuloy na rin sa location si Maine. Inabot hanggang early morning ng Wednesday ang shooting. Pero thankful si Direk Joey Reyes, dahil kahit napakaraming taong nanonood sa shooting, tahimik lamang ang mga ito habang nagti-take sina Alden at Maine, kaya tuluy-tuloy pa rin ang shooting.

Sa pagtaas lalo ng sales ng ini-endorse nilang Talk‘nText telecommunications, muling iginawa ng second episode ang first TVC nina Alden at Maine. May wedding, pero hindi sina Alden at Maine ang ikakasal, secondary sponsors lamang sila. Pero mas lalong natuwa ang AlDub Nation dahil this time, wala nang split screen, mas mahaba at mas nakakakilig ang mga eksena ng dalawa. Pumayag ang TNT na i-share na ang TVC sa AlDub Nation bilang pasasalamat sa kanila.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nag-taping na rin si Maine para sa pagpasok sa unang drama series niya, ang morning serye na Princess In The Palace ni Ryzza Mae Dizon bilang si Chef Elize. Happy si Maine dahil bago pa man siya pumasok sa showbiz, nagtapos siya ng Culinary Arts sa Saint Benilde Collge ng La Salle University at nag-OJT sa isang hotel sa New York, kaya hindi bago sa kanya ang magiging role niya. Napapanood ang morning serye bago ang Eat Bulaga.

Si Alden ay regular namang napapanood every Sunday sa Sunday Pinasaya.

This early, may mga show na si Alden for 2016 abroad. Ang pinakahihintay ng fans sa labas ng Pilipinas, kung kailan magkakasama sina Alden at Maine for a show sa iba’t ibang bansa. Hindi pa kami sure kung sa international screening ng My Bebe Love ay a-attend sina Alden at Maine, pero ayon kay Direk Joey, inaayos na niya ang English subtitles ng movie na ipalalabas sa theaters sa Middle East, Canada at USA. (NORA CALDERON)