Nakatanggap ng maagang Pamasko mula sa isang sa pribadong samahan ang mahigit 500 bata na naapektuhan ng digmaan sa bayan ng Hadji Mohammad Ajul sa Basilan.

Layunun ng pamamahagi ng regalo ng Save the Children of War Basilan Association ang mabigyang kasiyahan ang mga bata at pawiin ang trauma na dinanas nila sa paulit-ulit na bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa lalawigan.

Sa tulong ng 19th Special Forces Company ng Philippine Army (PA), sa pangunguna ng commanding officer na si Capt. Dexter Dantog, naihatid ang mga regalo, katulong ang JCI-Lamitan City, United Basilan Association at Furigay Colleges, Inc.

Bukod sa mga tinanggap na laruan at school supplies, nagkaloob din ng serbisyo sa mga bata ang clinical psychologist ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na si Dr. Lolina Bajin, na nanguna rin sa debriefing. (Fer Taboy)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito