Aabot sa 300 kilo ng kontaminadong frozen meat ang nakumpiska ng Quezon City Health Department sa Commonwealth Market, kahapon.

Idinahilan ni Dr. Ana Maria Cabel, hepe ng Quezon City Veterinary Services, ang hindi maayos na handling ng karne sa naturang palengke.

Sinabi nito na ang ilan sa kanilang nakumpiska ay nakalatag lamang sa maruming sahig ng pamilihan.

Aniya, dapat napapanatili ang lamig ng frozen meat upang hindi ito makontamina mikrobyo na magiging sanhi ng food poisoning.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ng health office ng lungsod ang publiko sa pagbili ng karne sa palengke, lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko. (Rommel P. Tabbad)