MEXICO CITY (AP) — Dalawang massacre na ikinamatay ng 15 katao sa loob ng 12 oras ang yumanig sa Honduras at nagpaiyak sa matataas na opisyal ng pulisya ng bansa, noong Miyerkules.

Sinabi ng pulisya na pitong biktima ang binaril sa kabisera ng Tegucigalpa noong Miyerkules ng umaga, habang walong driver ng bus ang pinatay sa hilagang lungsod ng San Pedro Sula noong Martes ng gabi.

Nagbigay ng news conference si Police Commissioner Leonel Sauceda sa lugar na roon natagpuan ang mga bangkay matapos ang pag-atake sa kabisera, na anim sa mga biktima ang kinaladkad palabas ng kanilang mga tirahan at pinatay.

Sinabi niya na ang paraan ng mga pag-atake ay nagpapahiwatig na ito ay kagagawan ng mga gang, na nag-aagawan sa teritoryo para makapangikil at magtulak ng droga.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina