TAPOS na ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Nagbalikan na sa kani-kanilang bansa ang 21 leader na dumalo sa nabanggit na pagpupulong. Walang natira sa Pilipinas kundi si PNoy at ang mga nakangangang Pilipino. Tapos na ang stageshow na kung tawagin ng ating mga ninuno ay SARSUWELA.

Ang bida sa sarsuwela ay siyempre pa walang iba kundi si PNoy. Siya ang direktor, siya ang prodyuser at siya rin ang bida. Kung ikuwento ito ng kanyang mga alipores ay PATOK sa takilya. Ginastusan ba naman ito ng bilyun-bilyong piso papaanong hindi papatok?

Ang totoo, talagang binonggahan ng Pangulong Noynoy ang APEC meeting na ito. Ito na kasi ang huling pagkakataon na makakasali siya sa ganitong kalaking pagtitipon. Kung baga, gusto niyang ipakita sa madlang pipol at sa buong mundo na ganito siya kagaling, kahit hindi naman. Maaaring umani siya ng papuri o pang-uuto buhat sa mga delegado na tinggap niya ng buong dangal. Pero sa likod nito, ilang Pinoy ba ang nagdusa?

Sa unang araw pa lamang ng pagdating ng mga delagado ay naparusahan na ang mamamayan ng Metro Manila dahil sa nakakaaburidong trapik. Mantakin mong pasakit iyon sa mga karaniwang mamamayan na hindi kumita ng kanilang pambili ng lalamunin dahil sa hindi nangakapasok sa kanilang trabaho? Ilan sa mga naapektuhan ay ang mga negosyo, biyahe ng mga eroplano, at marami pang iba.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kung ilang bilyong piso ang ginastos dito ngunit pagdating sa suweldo ng mga guro, pulis, bombero at iba pang uri ng manggagawa ay walang pondo ang gobyerno? Ayaw pabawasan ang sobra-sobrang buwis samantalang bilyun-bilyon ang ginastos sa sarsuwelang ito?

Ano ba ang napala natin sa APEC meeting na iyan? Tinalakay ang tungkol sa climate change, pero hindi ba’t ang mga higanteng bansa ang nagkakalat ng lason sa himpapawid para magbago ang klima? Papaano mo mababawalan ang mga bansang iyan samantalang sila ang may kagagawan ng kasalaulaan sa mundo?

Natutuwa tayo at bibigyan tayo ni US President Obama ng dalawang barko. Pero maipantatapat ba natin iyan sa puwersa ng China kung sakali at giyerahin tayo? At gaano ang kasiguruhan natin na tutulungan nga tayo ng Amerika? Kung kailan lasug-lasog na ang ating bansa at ubos na ang mamamayan? Nangyari na iyan noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig kaya posibleng mangyari uli.

Sa kabuuan, walang nakikitang pagbabago sa kanilang buhay ang mga karaniwang Pinoy sa idinaos na APEC meeting.

BIRONG PINOY

ASYANG: Mare, kumakandidato palang senador si Manny Pacquiao.

BELEN: Ha? Aba, okey gusto ko siya.

ASYANG: Gusto mo si Manny Pacquiao?

BELEN: Hindi.

ASYANG: Sabi mo gusto mo?

BELEN: Oo, gusto ko.

ASYANG: Si Manny Pacquiao

BELEN: Hindi! Si Aling DIONISIA (ROD SALANDANAN)