ALDEN'S STANDEE copy

SAAN kaya dinala ng isang fan ang standee ni Alden Richards?

Nakunan ng picture ang babaeng may dala ng standee ni Alden sa kanyang inienodorsong SKK mobile. Nitong nakaraang Linggo, nagkaroon ng jampacked SKK event si Alden sa SM City Bacoor, Cavite, na kinailangang gawin sa labas ng mall para magkasya ang mga tao, kaya hindi naman sure ang nakakuha ng picture kung fan nga ang girl o baka naman staff ng event. 

Pero nakakatuwa ang tweets ng netizens: “Kahit ako, iuuwi ko rin ang standee ni Bae;” “Naku, ateh, hinahanap iyan ni Maine (Yaya Dub), huwag mong iuwi;” ”Naku, bawal iuwi iyan!”

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Balitang nangyayari rin ang ganito sa mga standee ni Maine, iyon nga lang, kahit gusto nilang kunin, hindi puwede.

Samantala, narito ang bahagi ng post ni Carlos Celdran, kilalang Filipino tour guide at cultural activist tungkol sa AlDub: “Okay, why did I hashtag #aldub with that last bit of news? It’s because @AlDubNations is singularly the largest online community in the Philippines as we speak.

More than just a kalyenovela fan base, #AlDub is a network where a single hashtag can directly send your information to the youngest and most engaged Filipinos online (or is it world ba?) And these “Aldubbers” as babaw as you think, ha?

They are artists, designers, tv show hosts, airline pilots, students, tour guides, doctors, lifestyle writers and professionals. They speak Cebuano, Tagalog, Waray, Kankanaey (Cordillera dialect), Spanish, as well. AlDub isn’t for the C/D market segment only.

It crosses social classes. So that’s why I tag #AlDub to my tweets for important news. Fastest way to reach 2 million people. Period.”

Salamat, Mr. Carlos Celdran. (NORA CALDERON)