Kung ang isang magulang ay biniyayaan ng isang anak na mayroong espesyal na pangangailangan, isa sa pinakamatinding hamon para sa kanya ang mapalaki ang kanyang anak sa kahit na anumang abilidad na mayroon ito.

Ang hamong ito ay tila isang marathon na walang finish line na hindi susukuan ng isang magulang para lamang maiparanas sa anak ang lahat ng makabubuti dito maging sa larangan ng sports.

Sa sports, nabibigyan ang isang tinawag na “special child” ng kinakailangan niyang kumpiyansa sa kanyang sarili para magawa ang kanyang kayang gawin.

Gaya sa pagtakbo, hangad nilang matapos ito hindi lamang sa hangarin na manalo kundi maipakita na may kakayanan silang gawin ito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ngayong taon, iniimbitahan ng The Child’s World Family and Friends ang lahat upang suportahan ang Speed Unlimited, isang patakbo para sa kabataang may mga ganitong katangian.

Inorganisa ng Pinoy Aspiring Runners, ang event ay gaganpin sa Enero 31, 2016 sa CCP Complex.

Lahat ng mga atleta at mga supporters na gustong lumahok sa event ay may apat na kategoryang mapagpipilian na kinabibilangan ng 1 kilometer, 5 kilometer, 10 kilometer at 16 kilometer run.

Bawat kategorya ay may nakatalagang registration fee na P350, P550, P650 at P800 ayon sa pagkakasunod.

Ang mga batang may mga tinatawag na “special needs” ay maaring sumali na walang anumang babayaran sampu ng kanilang kasama basta’t makapagpapakita ng SPED school ID.

Para sa mga interesadong sumali at sumuporta sa event, maaari kayong magpatala sa mga Mizuno branches sa Trinoma, SM Megamall, MOA at sa garmin sa Glorietta V.

Maaari ring makalibre ng registration ang isang runner kung bumili ito ng sapatos sa Mizuno basta’t ipakita lamang ang kanilang resibo.

May mga nakalaan ding premyo para sa lahat ng mga tatapos na top 3 sa tatlong kategoryang may mahabang distansiya na kinabibilangan ng P2,500, P2,000 at P1500 para sa 16k, P2000, P1500 at P1000 para sa 10k at P1500, P100 at P750 naman sa 5k.

Lahat ng mga kalahok ay pagkakalooban ng singlet, bib at espesyal na medalya.

Para sa kaukulang detalye, mangyari lamang na tumawag sa numerong-712-4722 at 775-1543. (MARIVIC AWITAN)