Ang matipunong puwersa ni NLEX forward Sean Anthony nang labanan nila ang powerhouse Talk ‘N Text noong Biyernes ang nagbigay sa kanya ng tsansa upang masungkit ang kauna-unahang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Ang Fil-Canadian banger ay naitala ang career-best na 32-puntos, kasabay ng 12 rebound, two assist at isang steal na nakatulong sa Road Warriors na makumpleto ang matagumpay na pag-angat mula sa 17-hole laban sa kanilang sister team.

Ang 29-anyos na si Anthony,na napiling ikaanim sa overall ng Air21 noong 2010 PBA rookie Draft, ay natalo sina big

man Greg Slaughter ng Barangay Ginebra, Jun Mar Fajardo ng San Miguel Beer at maging si Gary David para sa weekly citation.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Naniniwala si NLEX coach Boyet Fernandez na naka-hit ng jackpot ang kanilang koponan sa pagkakakuha nila sa 6-foot-4 na si Anthony sa offseason via three-team trade.

“We really wanted to get Anthony because we really don’t have a four-man who’s agile so it’s a jackpot,” ang naging pahayag ni Fernandez, kung saan ang koponan ay umakyat upang makihati sa four to six spots kabilang na ang kanilang nakalaban na Globalport na may 3-2 rekord sa team standings.

At ngayon sa ikaanim na PBA season, ang laki ng iginaling ni Anthony at ebidensiya rito ay ang PBA career average nito na 20.8-puntos, 13.6 rebound at 4.2 assist sa 33.8 minutong paglalaro.

Ang istilo ng kanyang paglalaro ay nakatutulong sa front court para sa ageless slotman na si Asi Taulava. (PNA)