Kahit patuloy ang paninira sa manok ni Pangulong Aquino na si Mar Roxas, kumpiyansa ang una na tuloy ang pagtaas ng rating ng Liberal Party standard bearer sa mga survey.

“It depends on your outlook,” sabi ni PNoy.

“Di ba dati’y apat na puntos lang? Ngayon, 20 na. Times five ang tinalon niya!” ayon kay Aquino, tungkol sa pag-angat ni Mar sa survey ng mga presidentiable.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pananaw ni Aquino ay tabla na sa survey si Roxas at si Vice President Jejomar Binay, na lampas isang taon nang hinahabol ng mga alegasyon ng pagnanakaw ng bilyong piso mula sa kaban ng bayan, kasama ang kanyang kapamilya at kasabwat na mga kaibigan.

Sa unang bahagi ng taong ito ay nasa apat na porsiyento lang ang survey rating ni Roxas, ngunit tumalon ito sa 20 porsiyento pagkatapos siyang iendorso ni PNoy bilang tagapagpatuloy ng kampanyang “Daang Matuwid” ng administrasyon.

(Beth Camia)