Nanawagan si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Rafael Alunan III sa Department of Justice (DoJ) na pabilisin ang proseso ng paglilitis laban sa mga sangkot sa Maguindanao Massacre, anim na taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Alunan, mahigit 150 testigo at libu-libong pahina na ang iprinisinta ng prosekusyon pero wala pa ring nahahatulan kahit isa ang special court, sa ilalim ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

“Sa halalan noong 2010, nangako si Pangulong Aquino na mahahatulan sa kanyang pamumuno ang lahat ng sangkot sa Maguindanao Massacre, pero matatapos na ang kanyang termino sa 2016 ay nasa depensa pa lamang ang paglilitis,” sabi ni Alunan, na kandidatong senador sa ilalim ng Bagumbayan Party, kasama si dating Senator Richard “Dick” Gordon.

“Sana makagawa ng paraan ang husgado na mapabilis ang proseso ng paglilitis, dahil patuloy ang paghihirap ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre hanggang hindi nila nakakamit ang napakailap na katarungan,” dagdag ni Alunan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasa 58 katao, kabilang ang 32 mamamahayag, sa pinaslang sa Ampatuan, Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009. (Beth Camia)