Conor-McGregor_302601_RightFullBodyImage copy copy

“He can shut his big fat mouth.”

Ang pagkatalo ni UFC superstar Ronda Rousey laban kay Holly Holm sa UFC 193 kamakailan ay nakakuha ng iba’t-ibang reaksiyon mula sa mga tagahanga ng mixed martial arts (MMA) at mga ordinaryong tagapanuod.

Isa sa maituturing na “notable” na reaksiyon ay mula kay United States presidential candidate at business tycoon na si Donald Trump, na maraming hindi magagandang sinabi patungkol kay Rousey.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Noong Lunes, dumating sa Los Angeles si UFC intermin 145-pound champion Conor McGregor kung saan ay nakorner ito ng mga mamamahayag. Ang tinaguriang “The Notorious” ay tinanong tungkol sa kanyang opinyon at reaksiyon hinggil sa laban nina Rousey at Holm, at ang pahayag ni Trump tungkol dito.

“It’s easy for someone who’s not in there to comment,” ang paunang sabi ni McGregor. “It’s different when you’re in there. The emotions are high. It is what it is. You don’t want to touch gloves, then don’t. That means nothing.”

“Donald can shut his big fat mouth,” ang pagpapatuloy na sabi ni McGregor. “I don’t give a f**k about Donald Trump.”

Sa kabilang dako, papuri naman ang binitawan nitong mga salita tungkol kay Rousey.

“Defeat is the secret ingredient to success. True champions can conquer that, overcome it and come back. So I wish her all the best and that’s it.”

Si McGregor ay nakatakdang labanan si reigning champion Jose Aldo sa Disyembre 12 sa UFC 194 sa Las Vegas.

(ABS-CBN SPORTS)