Tila walang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na makapagtatala sa stat sheet kung hindi si Oscar Robertson kung saan ang tinaguriang ‘’Big O’’ ay isang triple-double machine.
noong Lunes ng gabi kung saan tumuntong si LeBron James sa mahirap punuin na statistics.
Sinaluhan ni James ang retiradong si Robertson sa eksklusibong listahan habang si Kevin Love ay umiskor ng season-high 34-puntos upang itulak ang Cleveland Cavaliers na hindi natatalo sa kanilang home games sa pagtatala ng 117-103 panalo kontra sa Orlando Magic.
Itinala ni James ang kabuuang 15-puntos at and 13 assist upang saluhan ang maalamat na si Robertson bilang mga tanging manlalaro sa kasaysayan na nagtala sa top 25 sa career point at assist.
‘’He’s a guy who laid the foundation,’’ sabi ni James ukol kay Robertson, ‘’and I’m just trying to carry it on.’’
Unang itinala ni James ang ikalimang assist upang lampasan si Norm Nixon (6,386) sa 25th place bago umusad kapantay ni Robertson, na tinapos ang kanyang Hall of Fame career na may 26,710 points at 9,887 assists.
Inaasahang malalampasan ni James ang rekord ni Robertson sa scoring total kung saan ang star ng Cavs ay determinado din na laktawan ang rekord nito sa assist.
Umiskor si Love ng kabuuang 27 sa unang hati tampok ang 17 sunod na puntos sa isang yugto upang itulak ang Cavs, na nagtala ang 18 3-pointers patungo sa 8-0 sa home game.
Kinakailangan na lamang ni James ng kabuuang 21-puntos upang lampasan si Reggie Miller (25,279) para sa 18th place sa career scoring list. (ANGIE OREDO)