PSL_Foton_05_Dungo,jr_261015 copy

Laro bukas sa Cuneta Astrodome

4 pm -- Petron vs Foton

Inaasahang sasandigan ang bentahe sa taas kontra sa pagkauhaw sa titulo na magtatapat sa paghaharap ng 2-time champion Petron Blaze Spikers kontra sa uhaw sa titulo na Foton Tornadoes sa pagsisimula ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball best-of-three finals series simula bukas sa Cuneta Astrodome.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sinabi mismo ni Philips Gold coach Francis Vicente na pabor siya sa Tornadoes sa tatlong larong kampeonato na suportado ng Asics kasama ang Milo sa pagparada sa towering frontline ng American import na sina Katie Messing at Lindsay Stalzer na kasama pa ang national team mainstay na si Jaja Santiago.

Sa kanilang salpukan sa semifinal kontra sa Lady Slammers, ipinakita nina Messing at ang solidong depensa sa net upang pahirapan ang mga manlalaro ng Philips Gold na sina Bojana Todorovic at Myla Pablo.

Dinagdagan ito ni stalzer upang paliyabin ang fifth set tungo sa 25-18, 26-24, 18-25, 20-25 at 15-8 panalo.

Maliban sa tatlong six-footer, ang setter na si Ivy Perez pati na ang backline defender na sina Bia General, Kara Acevedo at Patty Orendain ang inaasahang magtutulak sa Foton upang maging mabangis sa kampeonato.

“I’ll go for Foton,” sabi ni Vicente, na ang koponan ay nagkasya sa tanso matapos magwagi sa Cignal sa apat na set na thriller sa Imus City. “Their setter is slowly picking up her game to compliment the powerful attacks of Jaja and Messing. Of course, Stalzer will remain their leader. She was the one who carried them during the semis.”

Gayunman, naniniwala si Cignal coach Sammy Acaylar na ang Petron ay bentahe kontra sa mas batang Foton.

Ito ay dahil matapos masungkit ang huling dalawang korona sa dominanteng paglalaro at irepresenta ang bansa sa prestihiyosong AVC Asian Women’s Club Championship sa Vietnam, ang Blaze Spikers ay punung-puno ng bentahe sa ekspiriyensa, maturidad at kasanayan sa kampeonato.

Nangunguna sa Blaze Spikers ang beteranong setter na si Erika Adachi ng Brazil kasama ang solidong grupo nina Dindin Santiago, Aby Marano, Rachel Anne Daquis, Frances Molina, Fille Cayetano at team captain Maica Morada.

Aasahan din ng Blaze Spikers si Rupia Inck, ang Brazilian wing hitter na kasama ni Adachi sa mahigit 10 taon.

“Of course, hindi mananalo ang isang team kung puro lakas lang,” sabi ni Acaylar, na dating national team coach.

“Dapat nandun din ang psychological advantage, nandun din ang experience at maturity sa laro. The Blaze Spikers are very composed whenever they are down and are always capable of mounting a comeback.”

Sinabi naman ni RC Cola-Air Force coach Rhovyl Verayo na ang pantay ang kampeonato sa pagtukoy na “It is a perfectly even match with the hungrier, more prepared side expected to bring home the crown.”

Gayunman, pinapaboran ni Verayo ang Foton dahil ang 31-anyos na si Stalzer ay kabisado na ang paglalaro sa bansa matapos na maglaro para sa Cignal sa nakaraang edisyon ng Grand Prix bago naglaro sa isang inter-club league sa Thailand.

“Napakagandang laban nito,” sabi ni Verayo, na umaasang ang kampeonato ay aabot bilang sa isa matinding labanan sa kasaysayan ng Philippine volleyball.

“Pero I think Foton ang mas may advantage. Oo, mas cohesive at may experience ang Petron, pero wag nating kalimutan na may experience na din sa PSL yung Stalzer at mas malalaki ang mga blocker ng Foton. Kapag pumutok ang laro ng Stalzer at Jaja Santiago, medyo tagilid ang Petron dyan.”

“Kailangan lang talagang ilabas ng Petron ang experience at maturity nila sa laro kasi siguradong mapapalaban sila sa Foton,” sabi nito. (ANGIE OREDO)