Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:15 p.m. Blackwater vs. Talk ‘N Text

7 p.m. Globalport vs. Barangay Ginebra

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tatangkain ng koponang Globalport at Talk ‘N Text na patatagin ang kani-kanilang puwesto sa kanilang pagsalang sa magkahiwalay na laban ngayong araw na ito sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2016 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Nasa 3-way tie ang dalawang koponan kasalo ng NLEX na nakatakdang makipagtunggali sa nabuhayang Meralco kahapon at habang isinasara ang pahinang ito ay parehas na venue taglay ang barahang 3-2, panalo-talo.

Makakasagupa ng Batang Pier sa tampok na laban ganap na ika-7 ng gabi ang Barangay Ginebra habang makakasagupa naman ng Tropang Texters sa pambungad na laro ganap na 4:15 ng hapon ang Blackwater.

Magkukumahog ang Globalport na makabalik sa winning track matapos ang dinanas na kabiguan sa nakaraan nitong laban sa kamay ng Alaska noong Nobyembre 20 sa iskor na 104-123.

Para naman sa kanilang katunggaling Kings, kasalo ito sa ngayon ng Barako Bull sa ika-apat na posisyon taglay ang patas na bartahang 3-3, panalo-talo, kasunod ng naitala nilang 80-76, na panalo noong nakaraang Linggo kontra Mahindra sa larong idinaos sa Ynares Center sa Antipolo.

“We’re just trying to grind out wins. It wasn’t pretty right now. We’re not into pogi points,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.

Sa unang laban, kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban, mag-uunahan namang makabalik sa win column ang Tropang Texters at ang katunggaling Elite.

Natamo ng Tropang Texters ang ikalawang kabiguan sa kamay ng sister squad NLEX noong nakaraang Nobyembre 20 sa iskor na 101-107 habang lumagpak naman ang Elite sa kanilang ika-apat na pagkatalo kontra isa pa lamang panalo sa kamay ng Rain or Shine , 81-103, noong nakaraang Sabado na ginanap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. (Marivic Awitan)