SI Pope Paul VI ang unang modernong Papa na bumisita sa Africa noong 1969 at idineklara niya ang kontinente na “new homeland” para kay Hesukristo. Sa quarter century ng kanyang papacy, nilibot ni St. John Paul II ang 42 bansa sa Africa at tinagurian siyang “the African”. Sinabi ni Pope Benedict XVI na ang Africa ay isang kontinente ng pag-asa.

Sa susunod na linggo, bibisitahin din ni Pope Francis ang rehiyon, na ang lumalaking bilang ng mga Katoliko ay itinuturing na proteksiyon para sa isang simbahan na naghahangad na mapalawak ang impluwensiya nito sa harap ng mga problema sa secularism, pagpapaligsahan ng mananampalatayang Kristiyano, at marahas na terorismo.

Ang huling banta, na dinanas ng Paris nitong Nobyembre 13 at inako ng grupong Islamic State, at ng Mali nitong Biyernes, ang inaasahang tema ng pagbisita ng Papa sa Nobyembre 25-30 sa Kenya, Uganda at Central African Republic — at isang potensiyal na panganib sa mismong seguridad ng Papa.

Ang bawat isa sa tatlong bansa ay may sariling salaysay tungkol sa pagkakawatak-watak ng mga etniko at sekta. Sa Kenya, ang una niyang bibisitahin, inaasahang palalakasin ni Pope Francis ang loob ng mga Kristiyano mula sa pag-atake ng militanteng grupong Islam na al-Shabab noong Abril, na ikinamatay ng nasa 150 katao sa isang kolehiyo sa Kenya na karamihan ng estudyante ay Kristiyano.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Makikipag-usap siya sa “people who are afraid, who have been terrorized, who have been subjected to a lot of security checkpoints and all that,” sabi ni Rev. Stephen Okello, isang Katolikong paring Kenyan na nagkuwento rin tungkol sa hiwalay na karahasang etniko kasunod ng eleksiyon noong 2007 na ikinasawi ng mahigit 1,000 katao sa Kenya.

“Kenyans really need that reconciliation,” sabi ni Okello, organizer ng papal visit. Kung ikukumpara sa iba pang insidente ng karahasan sa rehiyon, “this might be a message that is good for the whole of Africa,” aniya.

Totoong kinubkob ng mga militanteng Islam ang Radisson Blu Hotel sa Mali nitong Biyernes, at pinatay ang 27 katao.

Nagsasagawa rin ng mga pag-atake ang Boko Haram, isang Islamic extremist group, sa Nigeria sa nakalipas na mga taon.

At sa usaping mas nakababahala sa Vatican, ang karahasan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa Central African Republic ay nagpaigting ng pangamba tungkol sa biyahe ni Pope Francis.

Ang hamon sa Papa, na inilarawan ang mga karahasan sa Paris at sa iba’t ibang bahagi ng mundo bilang bahagi ng paunti-unting “third world war”, ay ang umapela sa mamamayan “[to] rise above their humanity” sa pag-iwas sa pagmamatigas ng loob sa kapwa, ayon kay Jo-Renee Formicola, isang papal expert at political science professor sa Seton Hall University sa United States.

“How do you reconcile mercy and war?” sabi ni Formicola.

Bukod sa mga kaguluhang gumigiyagis sa kontinente, inaasahan ding tatalakayin ni Pope Francis ang mga paksang malapit sa kanyang puso na ilang taon nang nagpapahirap sa Africa: kahirapan at pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang pangangailangan para sa isang diyalogo sa pagitan ng mga Kristiyano at mga Muslim.