Pilit tutularan kung hindi man lalampasan ng Cebu City ang mga makukulay na pambungad seremonya sa bansa sa pagho-host nito sa 2015 Philippine National Youth Games-Batang Pinoy National Championships na isasagawa sa tatlo nitong dinarayong siyudad na Mandaue, Danao at mismong Cebu.

Kilala sa mundo sa makulay na kapistahan ng Sinulog, hindi lamang pupunuin ng host ang gaganapan na Cebu City Sports Complex ng kakaibang pagtatanghal mula sa 5,000 kabataan sa tinagurian nitong Grand Palabas kundi magtatangka din itong maitala sa Guiness Book of World Records sa pagtatanghal ng 7,000 katao sa sport na arnis.

“We will have a Mass Celebration intended for the Batang Pinoy National Championships at Sto. Rosario Church and then wait for the grand parade to arrive before we will show not just to the sporting community but the country as well our prepared Grand Palabas which will rival international ceremonies,” sabi ni Cebu City administrator Ed Jayco.

Kabilang sa 5,000 kataong magtatanghal na bumubuo sa talento ng Cebu ang Lumad Basakon na 5-time champion sa ginaganap dito na Sinulog Festival, ang Sinulog Idol, ang Philippine Taekwondo Association-Cebu Chapter, ang UC Dance Company at Abellana National School Dance Troupe at ang Dancesports Team – Cebu City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pamumunuan ni Danielle Mae Ozaraga na multi-medalist sa WCOPA 2015 sa US ang Doxology bago sundan ng welcome message ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia.

Sunod ang mensahe ng pagtanggap ng anak ng dating Chief Justice na si Province of Cebu Governor Hon. Hilario Davide III at Cebu City Mayor Hon. Mayor Michael Rama.

Isasagawa ang torch relay at lighting of the urn ni Mary Joy Tabal, na miyembro ng national team at kasalukuyang marathon queen kasama ang mga tinuturuan nitong running grassroots sports program sa bulubundukin ng Barangay Guba sa Cebu City.

Ang Oath of Sportsmanship ay pamumunuan ni taekwondo jin Dineson Caneda habang si Tony Del Prado na siyang commissioner ng Cebu City Sports Commisison ang sa oath of technical officials.

Sama-sama namang idedeklara ang pagbubukas ng kompetisyon nina Philippine Olympic Committee (POC) chairman Tom Carrasco Jr., PSC Chairman Richie Garcia, Ceby City Mayor Michael Rama, Cebu Governor Hilario Davide III, Mandaue City Mayor Jonas Cortes at Danao City Mayorr Ramon Durano III.

Nauna nang dumating ang delegasyon ng Iloilo City at Iloilo Province habang nakahanda na rin ang mga atleta mula sa host Cebu City na kung saan awtomatikong makakasali ang kanilang mga atleta bilang insentibo sa kanilang pagho-host sa national championships. (Angie Oredo)