Hiniling ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian sa gobyernong Aquino na palakasin ang pakikipagkalakalan sa mga kaalyadong bansa upang makalikom ng sapat na pondo sa pagbili ng kagamitan ng militar sa gitna ng panghihimasok ng China sa teritoryo nito.

“The Philippines can explore expansion of trade with other countries to reduce its reliance on China,” panukala ni Gatchalian. “It will not only strengthen our relations with other trade partners but our position as well against China.”

Pumapangalawa ang China sa listahan ng top trading partners ng Pilipinas noong 2014, na bumubuo ng 14.3 porsiyento o $18 billion sa kabuuang kalakalan ng bansa.

Sinundan ang China ng Japan, na nagtala ng 15 porsiyento o $19.15 billion, habang pumangatlo ang United States na umabot sa 11.2 porsiyento o $14.4 billion; Singapore, 7.1 porsiyento o $9.04 billion; at Republic of Korea, anim na porsiyento o $7.644 billion.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit ni Gatchalian na hindi pumapanig ang US sa ano mang bansa na nag-aagawan sa Spratly Group of Islands sa South China Sea.

Aniya, mahalaga para sa bansa na palakasin ang kakayahan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard dahil sa agresibong postura ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.