Naghihintay ang mga kaanak ng 13 overseas Filipino worker (OFW) na namatay sa isang aksidente sa Saudi Arabia ng impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa repatriation at imbestigasyon sa insidente.

Kinumpirma ng DFA na sinimulan na ang proseso para sa repatriation ng mga labi ng 13 Pinoy na pawang electrician at nagtatrabaho sa isang contracting and engineering company sa Saudi Arabia.

Namatay ang mga biktima nang bumangga ang kanilang sinasakyang coaster sa isang delivery truck sa Al-Ahsa province noong Nobyembre 16. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony