15-0 sa Warriors.
Pinalasap ng bumibisitang Golden State Warriors ang nakatapat nitong host Denver Nuggets, 118-105, upang pantayan ang pinakamahabang perpektong pagsisimula ng isang koponan sa kasaysayan ng NBA sa ika-15 nitong sunod na panalo para sa 2015.
Ito ay matapos itala ng nagtatanggol na kampeon na Warriors ang pagpantay sa pagsisimula ng 15-0 na itinala ng Washington noong 1948-49 at Houston Rockets noong 1993-94 kahit hindi pa maganda ang paglalaro ng star nito na si Stephen Curry.
“To get to 15-0 and tie a record that has been standing for a long time is a huge accomplishment,” sabi ni kasalukuyang NBA Most Valuable Player na si Stephen Curry.
Magpipilit ang Warriors na burahin at lagpasan ang rekord at itala sa kasaysayan sa pagsagupa na nanghihinang Los Angeles Lakers ngayong gabi.
“We want to take it to the next level Tuesday back at home,” sabi pa ni Curry. “But to come here and get this win, with what it all meant, was a huge accomplishment for us.”
Nagsimula ang panalo ng Warriors sa pagtatala nito ng matinding 119-69 panalo kontra Memphis Grizzlies noong Nobyembre 2 hanggang sa pagbangon nito mula sa 23-puntos na paghahabol sa unang hati ng labanan bago nito tinalo ang Los Angeles Clippers, 124-117, noong Huwebes.
Ang panalo ng Warriors noong Linggo ay ang ika-10th double-digit panalo ngayong taon kahit pa naglaro si Curry bitbit ang average na 33.6 puntos kada laro ay tumulong lamang ng 20-puntos sa kauna-unahang beses ngayong season.
Nagtala lamang si Curry ng season-low na 16 tira at natapos na may 19- puntos kung saan 10 dito ang inihulog nito sa ikatlong yugto na malayo na ang abante ng Warriors sa 91-79. Itinala ng Warriors ang pinakamarami nitong 21-puntos na abante sa ikaapat na quarter.
Pinamunuan ni Klay Thompson ang Warriors na may 21-puntos habang nagdagdag si Harrison Barnes ng 17. Si Draymond Green ay umiskor ng 13 at si Andre Iguodala ay may 12 mula sa bench.
“I told the guys it was a great team win tonight,” sabi ni Golden State interim head coach Luke Walton na giniyahan ang koponan buong taon kapalit ng maysakit na si Steve Kerr.
Ang maigting na pagwawagi ng Warriors’ ay kinukonsidera naman na makakayanan nitong lampasan ang itinala noon na 72 regular-season na panalo ng pinamumunuan noon ni Michael Jordan na 1995-96 Chicago Bulls. (ANGIE OREDO)