SA susunod na linggo, sa paghupa ng mga araw na sinasabing pinakamaiinit na naitala ngayong taon, magpupulong ang mga pinuno ng mga bansa sa labas ng Paris para sa summit na layuning hindi maapektuhan ang pandaigdigang ekonomiya sa tumitinding pagdepende nito sa fossil fuels.

Matindi ang hamon at minsan nang napatunayan na hindi maisasakatuparan. Layunin ng mga pag-uusap na inisponsoran ng United Nations na mapasang-ayon ang 195 bansa sa hakbangin na magbabawas sa greenhouse gas emissions, na ayon sa mga siyentista ay nagpataas sa pandaigdigang temperatura at nagbaligtad sa klima ng mundo.

Sa pagsisimula ng pulong sa Le Bourget sa Nobyembre 30, sisikapin ng mga leader ng mga gobyerno mula sa mga bansang pinakamadalas magsunog ng carbon, gaya nina U.S. President Barack Obama at Chinese President Xi Jinping, na magkaroon ng kasunduan sa mga bansang smallest emitter sa Africa at sa mga estadong isla.

Sa pagtatapos nito matapos ang dalawang linggo, sa Disyembre 11—sakali mang gumugol ng karagdagang mga araw para sa mga huling pagdedebate—posibleng akuin ng mga negosyador ang tagumpay sa pagko-commit sa mayayaman at mga papaunlad na bansa upang mabawasan ang paggamit sa coal at oil resources na nagbubunsod sa Industrial Revolution.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Done right, it will shape the economy of the 21st century,” sabi ni Andrew Steer, pinuno ng World Resources Institute think-tank. Kung magkakamali, nagbabala ang mga kritiko na mauuwi sa trahedya ang mga susunod na mangyayari.

Para sa mga climate scientist, na nagsasabing ang patuloy na pagsusunog ng carbon ay magpapataas sa pandaigdigang temperatura ng ilang degrees, ang isang matamlay na kasunduan ay magdudulot lamang ng mga hindi kaiga-igayang pagbabago sa sistema ng klima sa Earth.

Mamamalas ng isang umiinit na planeta—sakali mang mahirap ang perpektong pagtataya—ang mga epekto: ang tumataas na karagatan, mas matitinding bagyo at tagtuyot at paglalaho ng napakaraming buhay sa umiinit at mas acidic na karagatan.

Gayunman, iginigiit ng iba pang tinig na ang paghahati sa pandaigdigang ekonomiya mula sa pundasyon nito sa uling, langis at petrolyo ay may kaakibat na problema: pagtaas ng halaga ng enerhiya na magkakait sa mahihirap sa mundo ng abot-kayang kuryente na mahalaga sa pagpapabuti ng kani-kanilang buhay, at makapipinsala sa mga industriya sa mayayamang bansa.

Ang pag-iisa sa mga puwersang ito ay hindi umubra sa mga unang talakayan na sinuportahan ng UN. Ang huling pagtatangka na magkaroon ng pandaigdigang kasunduan ay nabigo at nauwi sa hindi maganda sa Copenhagen noong 2009, nang ilang papaunlad na bansa ang umiwas sa kasunduan na hindi naman, anila, nag-oobliga sa mayayamang bansa na bawasan ang kanilang emissions.

At dahil sa karanasang ito sa Copenhagen, bukod pa sa batid na ang isa pang kabiguan ay tuluyan nang tutunaw sa mga huling pagsisikap para sa nagkakaisang pagkilos, hindi masyadong mataas ang pag-asam sa pulong sa Paris.

At tiyak na magiging seryoso ang lahat, sa harap ng pinaigting na seguridad kasunod ng mga pag-atake sa lungsod, na kumitil sa buhay ng 130 tao. (Reuters)