Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang unang desisyon ng Makati Regional Trial Court (RTC) na nagpipigil sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maglabas ng clearance at permit para sa mga billboard at advertising sign sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Base sa 21-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Remedios Salazar-Fernando, ibinasura ng CA Second Division ang reklamo na inihain ng mga advertising company, na kinabibilangan ng Summit Publishing Company, Inc.; Bigboard Advertising Corporation; at Sygoo Enterprises na kumukuwestiyon sa legalidad ng memorandum of agreement ng MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagbibigay kapangyarihan sa una na ipatupad ang mga probisyon sa National Building Code sa pagbibigay ng mga clearance at permit para sa mga billboard.

Ipinaliwanag ng appellate court na mali ang inihaing petisyon para sa declaratory relief dahil hindi nakumpleto ang anim na elemento para sa naturang hakbang, lalo na ang requirement sa “there must have been no breach of the documents in question.” (Leonardo D. Postrado)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race