UNITED NATIONS (AP) — Isang bagong ulat ang nagsasabi na 90 porsyento ng mga kalamidad sa nakalipas na 20 taon ay idinulot ng mga baha, bagyo, heatwave at iba pang kaganapan na may kinalaman sa panahon -- at padalas nang padalas ang mga ito.
Ang ulat, pinamagatang “The Human Cost of Weather-related Disasters 1995-2015″ ay nagsasabing ang baha pa lamang ay kumakatawan na sa 47 porsyento ng mga kalamidad na may kinalaman sa panahon, na nakaaapekto sa 2.9 bilyong katao – 95 porsyento sa kanila ay naninirahan sa Asia.
Ang ulat, inilabas noong Lunes, ay inisyu ng U.N. Office for Disaster Risk Reduction at ng Center for Research on the Epidemiology of Disasters sa Catholic University of Louvain sa Belgium.