IPINAGDIINAN ni Diether Ocampo na kahit gumagawa siya ng proyekto sa ibang network ay nananatili pa rin siyang talent ng Star Magic at Kapamilya. Tinanggap daw niya ang dalawang episode ng Wattpad sa TV5 sa kagustuhan niyang maranasan naman ang makapagtrabaho sa ibang TV station.

“Nasa ABS(-CBN) pa rin naman ako. Gusto ko lang magkaro’n ng opportunity na magtrabaho naman sa TV5 kasi hindi ko pa talaga naranasan na maging guest sa mga show dito. Kumbaga, this is the first time to work with TV5,” sey ni Diet.

Ayon sa aktor, nagpaalam siya sa Star Magic at pinayagan siya. Habang naghihintay ang susunod niyang project sa Dos, tinanggap muna niya ang offer ng TV5.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Meron naman akong gagawing serye with Ms. Judy Ann Santos. Pero alam naman nating she got pregnant, dapat sana, eh, tuluy-tuloy na work ko do’n. Pero kailangang maghintay muna tayo, pero sa totoo lang naman, eh, may iba pa rin namang offers sa akin ang network,” sabi pa ni Diet.

Iniisip na rin ba niyang tuluyan nang lumipat sa ibang network kung may magandang offer?

“Alam n’yo naman na ilang taon na rin naman akong Kapamilya. And this is the first time that they, TV5, offered me so sabi ko, eh, bakit hindi ko gawin. Anyway, eh, guesting lang naman ito.

“Pero ‘yung paglipat, if ever, eh, depende pa rin sa offer. ‘Tapos, siyempre pag-uusapan muna namin ‘yun ng Star Magic. But now, eh, wala pa namang ganu’n,” nakangiti pero seryosong pangangatwiran ni Diet.

Dagdag pa ng aktor, kahit may ginagawa siya sa Dos at may dumating na offer sa ibang channel, walang magiging problema sa kanya basta lang magpapaalam siya at walang maging confict sa schedule niya.

“Sa panahon ngayon kung may trabaho, tanggap lang nang tanggap. Walang masamang tinapay d’yan. I don’t think naman na magiging problema ‘yun kahit pa may existing project akong ginagawa sa ABS CBN,” sey rin ng hindi pa rin nagbabagong si Diether Ocampo. (JIMI ESCALA)