Pinaigting ng Manila Social Welfare Department (MSWD) ang pag-rescue sa maralitang kabataan sa Maynila sa layuning malinis ang siyudad sa mga palaboy.

Kahapon ng umaga, 76 na indibiduwal ang dinampot ng MSWD sa ikalimang distrito ng Maynila.

“Wala kaming sinusunod na timeline subalit regular ang pagsasagawa namin ng rescue operations, dahil inaasahan naming dadagsa ang maraming tao habang papalapit ang Pasko,” ayon kay Arnold Panga, MSWD chief.

Mahigit 40 ang napag-alamang taga-Maynila at ang mga ito ay agad na inilipat sa pangangalaga ng Boys Town sa Marikina.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pitong iba pa ang may problema sa pag-iisip at dinala sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Habang ang ibang na-rescue, na hindi taga-Maynila, ay dinala sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong City.

“Magpapatuloy ang aming rescue operation hanggang Disyembre 28 at ito ay itutuloy matapos ang Bagong Taon,” ayon kay Pangan.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 260 batang-lansangan ang nasa pangangalaga na ng Boys Town at karamihan sa mga ito ay dinampot sa kasagsagan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit nitong nakaraang linggo.

(Jenny F. Manongdo)