Magbabalik sa susunod na taon ang Ronda Pilipinas, ang itinuturing na pinakamalaking karera ng bisikleta sa buong bansa na tatampukan ng 3-yugtong karera na sisimulan sa Butuan City sa Mindanao sa Pebrero 20-27 patungong Butuan City hanggang sa Cagayan de Oro at Malaybalay, Bukidnon.

Nasa ika-anim na taon na sa 2016, ang karera na inihahatid ng LBC at itinataguyod ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa Radio-Tech 1 Corp., Maynilad at Standard Insurance, ang Ronda ay magdaraos ng tatlong tig-limang yugtong karera na sisimulan sa Mindanao sa Pebrero, sa Visayas sa Marso at sa Luzon sa Abril.

Sumusunod sa kasalukuyang trend sa international scene, ang Ronda organizers ay nagdagdag ng mga pagbabago sa darating na karera na kinabibilangan ng pagdaraos ng kumbinasyon ng road race, individual time trial at criterium races kada leg.

“We need to adapt to the way races are done in the world stage as this project is to groom champions for flag and country,” pahayag ni Ronda sports development head Moe Chulani. “And also, we want each cities, towns and provinces we visit will have a chance to see our riders and our race the whole day.”

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ayon pa kay Chulani, nananatili ding committed ang Ronda sa pagtulong sa PhilCycling na pinangungunahan ni Congressman Abraham “Bambol” Tolentino sa kanilang grassroots development program sa pamamagitan ng paghahanap ng mga potensiyal na talent at pagsasanay sa mga ito para maging mga future national team members.

Kaugnay ng adhikaing ito ay magkakaroon ang Ronda, na may milyong papremyo para sa mga mananalo kada stage at leg ng karera ng hiwalay na overall winners para sa mga siklistang tubong MIndanao, Visayas at Luzon.

“Aside from the open elite division, we still have the Under-23 category because we believe that somewhere out there, there are gems in the rough waiting to be discovered,” ayon pa kay Chulani.

Muli ding kukunin ng Ronda ang 3Q Sports na pinamumunuan nina Quin at Jojo Baterna katulong si Rommel Bobiles, na siya ring nasa likod ng matagumpay na pagdaraos ng nakaraang Giro de Pilipinas sa Subic noong Oktubre para tumugaygay sa karera.

“On the side, we’re holding some mountain bike race as well as races for executives. Also, we’ll be having a community ride for everyone to allow them to get the feel of how it is riding with the Ronda caravan,”pahayag ni Bobiles.

“LBC Sports Devt Corp. feels everyone should have the chance to join Ronda Pilipinas 2016, which is the fourth biggest race in the world in terms of distance covered, not just the elite riders,” pagsang-ayon naman ni Chulani.

Sisimulan ang karera sa pamamagitan ng isang massed start race sa Butuan City sa Pebrero 20 na susundan ng isang criterium sa naturang lungsod kinabukasan at sa Cagayan de Oro sa Pebrero 23.

Kasunod nito ang ITT sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Pebrero 25 bago ang pagtatapos na isa ring criterium sa Malaybalay sa Pebrero 27.

Bubuuin naman ang Visayas leg na magsisimula sa Marso 11 sa Bago City, Negros Occidental, na susundan ng criterium sa Iloilo City sa Marso 13, bago ang road race mula Ilolilo hanggang Roxas City sa Marso 15, at isang criterium at ITT para sa pang-apat at panglimang stages na kapwa gaganapin sa Roxas sa Marso 17.

Magtatapos naman ang karera sa pamamagitan ng Luzon stages na kinabibilangan ng criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Abril 3, ITT mula Talisay, Batangas hanggang Tagaytay sa Abril 4, criterium sa Antipolo City sa Abril l 6, road race mula Dagupan hanggang Baguio sa Abril 8 at ang pinakahuling stage na isang ring criterium sa Baguio City sa Abril 9.

Lahat ng mga naghahangad at interesadong sumali sa karera ay maaaring bisitahin ang Ronda official Facebook page na https://www.facebook.com/girodepilipinas/?fref=ts at doon mag download at mag-fill-up ng registration form na maaari nilang ipadala sa Cycling Pilipinas (LBC SPORTS DEVT. CORP.) c/o Ronda Pilipinas 2016 Secretariat na matatagpuan sa Blk. 11 Lot 2 Bagong Calzada, Grenville Subdivision, Brgy. Ususan, Taguig City. (MARIVIC AWITAN)