112115_eus8 copyIsang buzzer- beater follow- up ni Mac Belo matapos magmintis ang kakamping si Mike Tolomia ang siyang nagbigay ng panalo at unang upuan sa Finals para sa Far Eastern University,76-74, kontra Ateneo noong Sabado ng hapon sa UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Ngunit para mismo kay Belo, sa kanilang coach na si Nash Racela at sa buong koponan ng Tamaraws, kabuuang team effort o teamwork ang naghatid sa kanila sa ikalawang sunod na finals appearance.

“Yung ginawa ni Mike (Tolomia) na pagsi-set sa kanyang mga teammate, unselfish facilitator siya kanina, ‘yung follow up ni Mac at kahit yung contribution hindi lamang ni Pogoy (Roger) pati nung mga likes nina Dennison (Ron) at Tamsi(Alfrancis), ‘yung pagbantay na ginawa nila kay Kiefer, that was total team effort,” pahayag ni Racela.

Bukod sa pagtutulungan, naging susi din ng kanilang tagumpay na makausad ng kampeonato ang kanilang depensa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Katunayan, ayon kay Belo, mas nag focus sila sa depensa at hindi alintana na bumaba man ang kanilang produksiyon bilang mga key player dahil meron naman aniyang nag-i-step-up para ito punuan.

“It doesn’t matter naman kasi sabi nga ni coach mas mag focus kami sa defense. Nag-contribute naman bawat isa na nanggagaling din sa aming depensa,”ani Belo.

At kung magpapatuloy ang ganitong laro ng Tamaraws, naniniwala silang kahit sino ang makasagupa sa Finals ay kakayanin nilang harapin.

“Kahit sino, kung tulung- tulong kami at lahat dumidipensa, kaya namin,” ayon naman kay Pogoy. - Marivic Awitan