Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga botante na laging ipaalala sa mga kakandidato sa eleksiyon sa Mayo 9, 2016 na tutukan ang paglilingkod sa bayan at hindi ang pansariling interes o ambisyon.

Ayon kay Tagle, hindi magiging matatag at maunlad ang bansa kung inuuna ng mga mangangasiwa rito ang sariling ambisyon at hindi ang kanilang misyon para sa bayan.

“May I propose that you in mission to those who will become candidates for the next election. Evangelize them and remind them that it is a mission not ambition. Hindi matatag ang bansa kapag ang nagpapatakbo ay [puro] ambisyon, sa halip na misyon,” paalala ni Tagle sa mamamayan. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga