Ravena and Pessuma by Arvin Lim

Sa pagpasok nila sa basketball court para sa Final Four matchup kontra Far Eastern University (FEU) noong Sabado ng hapon sa Araneta Coliseum, alam nina senior Eagles Kiefer Ravena at Von Pessumal ng Ateneo Blue Eagles na posibleng iyon na ang kanilang huling laro na magkasama, bilang mga UAAP player.

Buhay pa rin ang pag-asa na sana ay lumawig pa ang kanilang karera bilang mga miyembro ng Blue Eagles kahit sa isa pang laro.

Ginawa kapwa nina Ravena at Pessumal ang kanilang buong makakaya, at nagtapos nga sila na mayroong 25 at 17-puntos, ayon sa pagkasunod, at halos ilang puntos lamang ang kalamangan ng Tamaraws.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Lumaban nga ang Blue Eagles hanggang sa pinakahuling segundo, hanggang tuluyan nang kalasin ang tabladong iskor sa malabayaning puwersa na ipinamalas ni Mac Belo ng FEU. Nagtapos ang laban sa iskor na 76-74, at ito ang nagbukas ng pintuan sa Tamaraws upang makakuha ng unang slot para sa Final Four.

Nalasap man ang kabiguan, wala namang dahilan upang yumukod na lamang ang mga ulo ng talunang “Agila” at si Ravena at Pessumal ay tinungo ang lupon ng mga taga suporta sa kanilang koponan at sila ay sumaludo at buong pusong nagpasalamat, sa huling pagkakataon.

Sa pakikipagpanayam kay Ravena, inamin nito na mamimiss niya ang kanyang partner na si Pessumal.

Nagsimulang maging partner ang dalawa mula pa ng sila ay nasa Grade Six, magkasama sa Blue Eaglets sa loob ng apat na taon at sa Blue Eagles ng halos limang taon. Ang dalawa ay parang mga matatapat na sundalo na laging nakikita sa harapan tuwing may laban ang Ateneo.

Nasaksihan ng mga tao sa Araneta ang isang matagumpay na 11-taong partnership. Matapos na magpaalam at kumaway sa mga tagahanga, ay nagyakap ang dalawa ng mahigpit.

Ang Ravena-Pessumal tandem ay tapos na sa UAAP pero may pagkakataon pang muli silang magkita, sa professional ranks.

“Sometimes, he was the Robin to my Batman and sometimes, it was vice versa,” Ayon pa ito kay Ravena patungkol sa kanyang ka-tandem na tinatawag niyang “brother”.

Sa kabilang dako, inamin naman ni Pessumal na si Ravena ang pinakamagaling na manlalaro na nakasama niya at hindi niya kailanman naramdaman na “sidekick” lang siya nito.

“The best player I’ve ever played with.” Ang sabi pa nito. “I remember before, it was Batman and Robin, but now it’s Batman and Superman.”

“I’ve played with him my whole life and I always know I could count on him and he could count on me,” ang pahayag pa ni Pessumal. - Abs-Cbn Sports