Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang nagpapataw ng pinakamatinding parusa, kabilang ang kamatayan, sa mga dayuhan na napatunayang nagkasala sa aktibidad ng ilegal na droga sa bansa.

Pinagtibay ng House Committee on Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Rep. Vicente F. Belmonte, Jr., ang HB 1213 na ang pangunahing mga may-akda ay sina Cagayan de Oro City Rep. Rufus B. Rodriguez at Abante Mindanao Party-list Rep. Maximo B. Rodriguez, Jr. “HB 1213 allows the imposition of the death penalty if prescribed under the national laws of the alien offenders,” anang mga may-akda.

Ang HB 1213 ay “An Act adopting the higher prescribed penalty, including death, of the national law of an alien found guilty of trafficking dangerous drugs and other similar substances, amending for the purpose Republic Act No. 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’”

Bagamat matagal nang inalis ang parusang kamatayan sa Pilipinas, muli itong binubuhay at pinasisigla upang makatulong sa pagsugpo sa kriminalidad, drug trafficking, at iba pa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Rodriguez na ang pagpapanumbalik sa death penalty ay pinagtibay na ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa noong 15th Congress, pero hindi naman inaksiyunan ng Senado. (Bert de Guzman)