Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang iginigiit ng isang human rights group na daan-daang pamilya ang inalis mula sa mga lansangan bago ang pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), at nilinaw na 77 pamilya lang ang “reached-out” ng Department of Social Welfare Office ng Maynila noong nakaraang linggo.

“Ang mga nakita ng media nang bumisita sila sa Boystown ay mga regular na residente ng center na una nang inayudahan sa city wide reach-out operation,” sabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman.

Sa isyu namang nagbalik na ngayon sa mga lansangan ang mga pamilyang palaboy matapos ang APEC Summit, sinabi ni Soliman na posibleng nanggaling sa ibang lugar ang mga palaboy na namataan.

“Sila rin ay tutulungan ng Department, katuwang ang LGU (local government unit) para mabatid din ang kanilang mga pangangailangan,” sabi ni Soliman. - Ellalyn B. De Vera
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji