Ni Angie Oredo

Agawan ang nagpakitang gilas na De La Salle University (DLSU) at ang nagtatanggol na tatlong sunod na kampeon na Philippine Air Force (PAF) sa isang silya sa kampeonato sa krusyal na yugto ng 2015 PSC Chairman’s Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball diamond.

Kapwa walang talo ang La Salle at Air Force sa double knockout round na eliminasyon ng torneo na asam buuin at hanapin ang magiging miyembro ng pambansang koponan matapos ang tatlong laro upang magharap sa matira-matibay na labanan para sa isang silya sa kampeonato.

Unang tinalo ng De La Salle ang Thunderz, 7-3, bago isinunod ang IPPC, 6-4, at ang Unicorns, 13-1 habang binigo naman ng Air Force ang nakatapat na UST, 13-2, saka dinungisan ang Adamson, 12-1, at panghuli ang University of the Philippines (UP), 9-1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang magwawagi sa pagitan ng La Salle at Air Force ay agad na ookupahan ang isang silya sa kampeonato habang ang mabibigo ay mahuhulog sa matira-matibay na labanan para sa ikalawa at huling silya na pinag-aagawan din ng apat na iba pang koponan na Unicorns, Thunderz, UP at IPPC.

Habang isinusulat ito ay magkasagupa ang UP at Thunderz at ang Unicorns kontra Thunderz.