Nagpahayag ng determinasyon ang Philippine National Police (PNP) na pulbusin ang Abu Sayyaf Group (ASG), base sa kautusan ni Pangulong Aquino matapos pugutan ng mga bandido ang bihag nilang Malaysian, na dinukot sa Sandakan sa Sabah, Malaysia.

Tumanggi naman si Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na sabihin kung anong police unit ang isasabak sa pinaigting na operasyon laban sa Abu Sayyaf, na karamihan ay nagtatago sa Sulu at Basilan.

“Our initial response would be on the intelligence aspect. We will intensify the intelligence-gathering with the help of our counterparts in the military,” pahayag ni Mayor sa panayam sa telepono.

Habang nasa Malaysia upang dumalo sa pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), inatasan ng Pangulo ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pag-ibayuhin ang operasyon laban sa Abu Sayyaf na itinuturong responsable sa pagpatay kay Bernard Ghen Ted Fen, isang Malaysian, sa Indanan, Sulu noong Nobyembre 17.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakarating sa kaalaman ng gobyerno ang pagpugot kay Fen ng Abu Sayyaf kasabay ng pagdalo ni Malaysian Prime Minister Dato Sri Mohd Najib Tun Abdul Razak sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit sa Maynila, kamakailan.

Agad namang kinondena ni Razak ang pamamaslang kay Fen, kasabay ng panawagan sa gobyerno ng Pilipinas na bigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang kababayan.

Pinugutan si Fen makaraang mabigo ang pamilya nito na magbayad ng P40 milyon ransom. (AARON RECUENCO)