Popondohan ng gobyerno ng New Zealand ang pagpapatayo ng multi-purpose center ng Philippine Red Cross (PRC).

Kasabay ng pagpapasinaya sa warehouse, logistics at training center ng PRC sa Mandaluyong City, inihayag ni New Zealand Prime Minister John Key na bahagi ito ng matagal nang ugnayan ng kanyang bansa sa Pilipinas.

“We will continue to provide assistance to the Philippine Red Cross for whatever they need,” wika ni PM Key.

Dumating sa bansa si Key upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit nitong Nobyembre 18 at 19.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang itatayong multi-purpose center ay magsisilbing imbakan ng gamit sa rescue, relief goods at iba pang supplies sa panahon ng emergency o kalamidad.

Magsisilbing training area ang pasilidad para sa mga volunteer ng Red Cross. (Mac Cabreros)