Ni NITZ MIRALLES
NAKAKATAWANG basahin ang comments sa Twitter tungkol sa Little Nanay, walang negatibo at puro good vibes lang.Hinihintay na ang eksenang magbubuntis si Tinay (Kris Bernal) at magkaka-baby, siguro next week na ‘yun dahil mabilis ang takbo ng story.
Natutuwa kami kay Kris dahil parang na-rediscover siya rito at nakitang mahusay siyang artista. Kitang-kita naman na kayang-kaya niya ang karakter ni Tinay at parang hindi kapani-paniwala na nahirapan siyang pumasok sa karakter nito at akala niya, hindi na siya ang mapipili.
Samantala, pinupuri rin si Kris hindi dahil sa mahusay na pagganap bilang may intellectual disability kundi dahil sa tinutulungan niya ang batang si Jhon Ruiz o Lucy, five-year-old boy na may rare genetic condition na tinatawag na “Butterfly Disease.”
Walang gamot ang naturang skin disease at ang life expectancy lang ng may sakit na ganito ay 30 years. Ang maganda sa bata, very positive, masayahin, makulit at mahilig sumayaw.
Panawagan ni Kris, “Humihingi po kami ni Lucky ng tulong sa inyo. His maintenance such as ointment and lotions are very pricey. Plus, para makapag-home study na din po siya. Mahilig po siya sa mga toy cars and helicopters. Napakalambing at talino, very playful at masarap kausap.
“Please email me at [email protected] para sa inyong tulong, kahit ano lang po. Napaka-appreciative ng batang ito, at marunong magpasalamat sa kahit anong bagay.
“P.S. Idol na idol niya ang #ALDUB. ‘Yun ang wish niya, ma-meet si kuya @aldenrichards02, Ate @mainedcm, and Lola Nidora. Sana makadalaw tayo sa @eatbulaga1979 noh, Lucky?”
Sana makarating sa AlDub love team at kay Lola Nidora ang panawagan ni Kris para kay Lucky.
Ang ganda nga pala nang nangyari dahil after ma-post ni Kris ang panawagan, ang daming nag-offer ng tulong para kay Lucky.