Patay ang isang lalaking hinihinalang drug pusher matapos siyang barilin ng hindi nakilalang suspek sa Port Area, Manila, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay nakilala lang sa alyas na “Eric,” may taas na 5’5”, nasa 30-35-anyos, nakasuot ng itim na T-shirt at short pants.

Walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na agarang ikinamatay nito.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Jose Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 2:30 ng umaga nang barilin ng hindi nakilalang suspek ang biktima sa 12th Street, Port Area, saka ito tumakas.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Narekober naman ng pulisya sa bulsa ng biktima ang may pitong sachet na naglalaman ng shabu, kaya naghinala ang awtoridad na isang tulak ang biktima, at posibleng may kinalaman sa ilegal nitong gawain ang pamamaril.

Sa kabila naman nito, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek, gayundin ang tunay na motibo sa pagpatay. - Mary Ann Santiago