Ai Ai Delas alas
Ai Ai Delas Alas
TINUPAD ni Ai Ai delas Alas ang request ng mga taga-Commonwealth, Quezon City na palakihin ang kanilang Kristong Hari Church na lumiit na sa dami ng parishioners na nagsisimba lalo na kung Linggo.  

Kaya isang benefit concert, titled For The Love of Mama Mary, ang gagawin ni Ai Ai, para makalikom ng pondo na gagamitin sa pagpapalaki ng simbahan at para na rin sa Anawin Lay Missions Foundation, Inc. sa Montalban, Rizal na itinatag ni Bro. Bo Sanchez na isa rin sa mga tinutulungan niya. Gaganapin ang concert ngayong 7:00 PM sa SM Mall of Asia Arena.

Lumaki nang lumaki ang concert dahil sa rami ng nag-offer ng services for free. Mga kapwa artista at singers na nakasama na ni Ai Ai ang unang pumayag mag-guest sa concert, like Erik Santos at Alden Richards, then si Ruru Madrid kahit alam namang hindi siya Catholic, pero with Gabbi Garcia ay nakasama ni Ai Ai sa una niyang soap sa GMA 7, ang Let The Love Begin.

No problem naman dahil ayon kay Bro. Adrian Panganiban, close friend ni Ai Ai, na natanong namin tungkol dito, ecumenical ang concert at may guest performer din silang Muslim.

Mikee Reyes namaalam na sa Frontline Pilipinas, anyare?

Performers din sa concert mamaya ang K5, ang Kerygma singers na sina Alvin Barcelona, Arun Gogna, Jon Escoto at si Adrian Panganiban at ang Six Priexts in the City na sina Fr. Erick Santos, Fr. Allan Samonte, Fr. James Nitollama, Fr. Steve Zabala, Fr. Joel Sayson at Fr. Ray Pascual, with Michael Angelo Lobrin at Fatima Soriano.

May performance din sina Sancho delas Alas, Jay Gonzaga, Kylie Padilla, Nikki Valdez, Ron Dancers, The Philippine Madrigal Singers at siyempre si Ai Ai. Stage and TV director si GB Sampedro, musical director si Elmer Blancaflor.

Ang For The Love of Mama Mary ay presented by MEDA Foundation (Martha Eileen Delas Alas Foundation). Tickets are priced P2,650 (VIP) P1,600 (Patron) P1,060 (Lower Box) P530 (Upper Box) P 220 (General Admission). (NORA CALDERON)