KALIWA’T kanan ang batikos kay Karen Davila dahil sa panayam niya kay Alma Moreno sa Headstart sa ANC noong Nobyembre 11. Kinawawa raw niya ang dating aktres, na konsehal ngayon sa Parañaque at kumakandidato for senator.
Bilang political program, ang interview sa Headstart ay tungkol sa kandidatura ni Alma, kung ano ang mga plataporma niya, ano ang ihahain niya sa publiko at kung ano ang pananaw niya sa ilang kontrobersiyal na issue.
Naging viral online ang nasabing interview at bilang TV host na nakakapag-crossover sa showbiz-pulitika ay kinunan namin ng komento si Boy Abunda nang makausap namin siya pagkatapos ng presscon ng A Second Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Puwede bang mag-guest si Alma sa Tonight With Boy Abunda?
“Welcome naman siya sa show ko anytime,” kaswal na sagot ni Kuya Boy. “I got a call from Ness because she wants to come out in one of my shows, napakagalang ni Ness and of course because she’s running for a senate seat, so I would imagine that she needs a lot of media exposure. Kahit mayroon siyang organization ng mga konsehal sa buong Pilipinas, you really need a lot of exposure.
“It’s not anybody’s fault, hindi lang sila nagtagpo, Karen did her job, Ness assumed probably that it was just an ordinary interview. The questions are... was it the fault of Karen that she wants to talk RH Bill, she wanted to get, to pick the brain of Ness about same sex marriage? No!
“Para sa akin, responsibilidad ng guest lalo na kung ikaw ay tumatakbo for public office na paghandaan ang isang political interview. Headstart is a political show. Now, may mga taong nagsasabi na pinaglaruan, hindi! Nakita ko umalalay si Karen towards the end, ipinapaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin.
“Ness I think was also trying, but to a certain extent she showed her that she was not conversant to the topics.
What is the lesson there? Prepare for your interviews. Ika’y nagpapakilala, ‘piniprisinta mo ang iyong sarili para sa boto ng mamamayan, maghanda ka, kasi ang pinag-usapan naman ay may relasyon sa iyong pagiging public official.
“You were not being asked about rocket science, kung doon, medyo off ‘yun, ‘yung halimbawa tinanong ka, how do you invent rocket ships, that’s an entirely different story. But if you are asked about same sex marriage which is hot globally, these are issues during elections. But she took a position, hindi lang niya naipaliwanag, sabi lang niya ‘yes’ pero hindi lang naipaliwanag ni Ness.
“Ako with humility, ang advise ko, sa susunod na magi-guest ka sa ibang programa, you’re not promoting a movie here, ika’y ‘piniprisinta mo ang iyong sarili sa taumbayan, and you should be ready to all these issues,” mahabang paliwanag ng TV host.
Nabanggit din ni Kuya Boy na bago niya kinapanayam sa The Bottomline ang dating secretary of justice na si Ms. Leila de Lima na kakandidatong senador ay talagang pinaghandaan niya.
“One of my toughest interview, Leila de Lima, kung saan pinag-usapan namin mula Davao Death Squad to (Sen.) Grace Poe’s disqualification cases. Ako, that I’ve been doing political interviews for 20 years now, limang araw ako halos hindi makatulog sa kare-review at kaaaral doon sa mga bagay na maaaring pag-usapan namin ni Leila de Lima dahil ayokong paikutin ako.”
Hindi raw komporme si Kuya Boy sa sinasabi ng iba na ginawang kaawa-awa ni Karen si Alma.
“Para sa akin I think’s it’s a misreading na si Karen naman (kinawawa si Ness). Headstart is a political show, hindi ko sinisisi rito si Ness, ang advice ko kay Ness as a friend dahil kaibigan ko ‘yan, paghandaan mo,” payo ni Kuya Boy sa dating aktres.
Pinanood nga raw ni Kuya Boy ang nasabing panayam ni Karen kay Alma, “It’s a political show, I expected them to talk about the Bangsamoro Basic Law, Senado ang tinatakbuhan mo (Ness), I expected them to talk about the disqualification case, its Senate Electoral Tribunal topic. That’s hard talk, you’re running for Senate seat.”
Tulad din ng komento ng mga nakapanood na nasaktan sila for Ness, ganito rin ang naramdaman ng TV host.
“’Yung blame game, ayoko ng naninisi because I know Karen, I don’t think she has the intent of hurting Ness. Ness naman, I don’t think had the intent also to make herself funny. Ang ano lang, lalo na tayo magkakapatid sa industriya, paghandaan mo.
“Sabi ko nga, hindi lang host dapat ang naghahanda, dapat pati guest you should prepare. Or better yet, you should ask, what are the talking points, puwede naman ‘yun. What are we going to talk about? Did Ness assume that what were talking about what?”
Samantala, may mabuti ring nagawa kay Alma ang nasabing panayam. Sabi ni Kuya Boy, ano nga ba ang in-expect ni Alma na pag-uusapan nila ni Karen?
“To promote a movie? It’s a political show. Ang kagandahang nangyari, paghahandaan na ito ni Ness at hindi na siya papayag sa susunod na maulit ito. It’s a challenge for her,” sabi pa ni Kuya Boy.