Kapwa nakuha ni dating WBA at WBO super bantamweight world champion Guillermo Rigondeaux ng Cuba at ex-interim WBA super flyweight titlist Drian Francisco ng Pilipinas ang timbang para sa 122 pounds division kaya tuloy ang kanilang HBO pay-pet-view bout sa Las Vegas, Nevada ngayon.

Tumimbang si Rigondeaux na 121.5 pounds samantalang mas magaan si Francisco sa 121 pounds at waring minaliit ng Cuban ang kakayahan ng Pinoy boxer nang bantaan ang mga kampeon sa super bantamweight division.

“To the rest of the super bantamweights out there with belts, beware because I am coming for them,” sabi ni Rigondeaux sa Fightnews.com.

“I’m coming for all the belts and I am going to destroy them all. I am the real champion. And everyone knows it. If you want to step in the ring with me, to prove it, let’s do it. It’s up to the fans to demand it from their champion to step up and get in the ring with me. They can run, but they can’t hide.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Masama ang loob sa paghubad sa kanya ng WBA at WBO belts, nangako si Rigondeaux na babawiin ang kanyang mga titulo sa lalong madaling panahon.

“Once I’m done with Francisco, I’m ready to fight everyone else. My energy after that will be spent winning all my belts back. I don’t need to say I am the best. I demonstrate it. I will fight anyone at my weight,” giit ng walang talong Cuban.

Handa naman si Francisco sa kanyang unang HBO-PPV fight at nangakong tatalunin si Rigondeaux para muling magkaroon ng pagkakataon sa world title bout.

“I’m excited. It’s been a while since I’ve been this excited for a fight because I know my opponent is really good. He’s been world champion multiple times,” sabi naman ni Francisco sa Yibada.com. (Gilbert Espeña)