Kakasuhan ng Philippine National Police (PNP) = ang isang grupo ng mga nagpoprotesta na nakalapit sa venue ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leadersā€™ Meeting, sinabi ni PNP spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor.

ā€œSome of our policemen were injured despite their adherence to the maximum tolerance policy and they were still provoked.

(These) people caused injuries and harm to our people. Definitely, it is just right to file legal charges against them,ā€ aniya sa mga mamamahayag sa press briefing sa International Media Center sa World Trade Center sa Pasay City.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Idinepensa rin = niya ang paggamit ng mga water cannon na ā€œnot pressurized to hit or cause injuriesā€.

Nakapagmartsa ang mga miyembro ng makakaliwang grupo sa Buendia at Roxas Boulevard malapit sa Philippine International Convention Center (PICC), kung saan nagpupulong ang mga lider ng APEC. Napigilan sila ng puwersa ng pulisya = na = makalapit sa PICC at World Trade Center, kung saan naroon ang International Media Center.

Tumanggi muna si Mayor na kilalanin ang mga grupo sa likod ng mga protesta. (PNA)