Magsasagawa ng make-up class ang mga paaralan sa National Capital Region (NCR) na naapektuhan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit matapos suspendihin ang klase sa Metro Manila ngayong linggo.

Ayon kay Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) Director Dr. Luz Almeda, ipatutupad ang make-up class upang mapunan ang nawalang panahon sa pag-aaral ng mga bata dahil sa pagkansela ng klase, bunsod ng APEC meeting.

Ito, aniya, ay para makumpleto ang required school day at alinsunod sa DepEd Order No. 9 Series 2015.

Ipinauubaya naman sa mga opisyal ng mga eskuwelahan ang pasya sa mga paaralan sa Metro Manila sa kung kailan ipatutupad ang make-up class.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinikayat din ng DepEd ang mga guro na isama sa “Araling Panlipunan” ang kahalagahan at benepisyo ng APEC meeting sa buhay ng mga Pinoy. Napag-alamang naglabas ng direktiba si Almeda sa mga division superintendent noong Agosto 10 para ilatag ang mga hakbangin, gaya ng nasabing make-up class, bunsod ng pagpupulong na nagdulot ng matinding traffic sa Metro Manila. (Mac Cabreros)