Bigo mang umabot sa finals ang PLDT Home Ultera, naging konsolasyon naman para sa kanila ang pagkopo ng ace hitter na si Mark Gil Alfafara ng Conference MVP award sa Spikers Turf Reinforced Conference kahapon sa San Juan Arena.

Maliban sa pagiging MVP, nakamit din ng dating manlalaro ng University of Santo Tomas (UST) sa UAAP ang karangalan bilang First Best Outside Spiker.

Bukod kay Alfafara, nagkamit din ng individual award para sa Ultra Fast Hitters ang kakamping si Peter Torres na napiling Best Middle Blocker.Nagwagi din si Nur Amid Madsari ng Navy bilang Second Best Outside, Spiker, Reyson Fuentes at Reuben Inaudito ng Air Force bilang Second Best Middle Blocker at Best Opposite Spiker ayon sa pagkakasunod.

Nauna rito, inuwi ng PLDT Ultra Fast Hitters ang third place trophy matapos pataubin ang Navy, 25-14, 25-22, 23-25, 25-19.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinangunahan ni Kheeno Franco ang nasabing panalo sa itinala nitong 12 hits at tig-2 blocks at aces. (Marivic Awitan)