Kris copy

INAKALA namin na hindi magri-react si Kris Aquino sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa Instagram post niyang na-sunburn siya dahil sa kanyang inaming kaartehan nang mabilad siya sa Fort Santiago.

Hindi nagustuhan ng ilan ang sinabi ni Kris na, “Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag-commute these past few days, patas ang mundo, patche-patche naman ang balat ko.”

Tahimik siya noong una sa issue habang marami naman ang mga nagtatanggol sa kanya, hindi lang daw nasakyan ang humor niya, may nagsabing naging honest lang si Kris. May nag-suggest namang kung ayaw ng posts ni Kris ay i-unfollow na lang siya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pero bago naghatinggabi last Friday, sumagot na rin si Kris sa bashers niya.

 

“Good news for all those who can’t stand me yet keep reading up on me, and forwarding/commenting/are affected sa post ko -- taas ulit ang BP ko, 140/90, so maybe you won’t have to put up with me for much longer?

But when I was conversing w/ Former President Ramos & asked about his good health & long life the other night (a strong & robust 87, he said “matibay ang masamang damo”) -- so OMG baka I’ll be around for 40+ more years?

“Pero if you really want to get rid of me, pray that Datin Rosmah of Malaysia or Madame Lee of Singapore will be successful in matching me with one of their countrymen -- both said they’d be looking...

#PrayNyoNaParaHappyTayongLahat #SanaMapamigayNyoNako #SanaMayBonggangTumanggap.

(“From infancy, I survived 7 years & 7 months of martial law na nakakulong ang Dad namin, I survived having him assassinated, I survived all the coup attempts when literally outside my bedroom window nagbabarilan, I survived falling from a 12 foot high stage, I survived being disowned by my family for a wrong choice of the heart, I was blessed with forgiveness & reconciliation with my family, I survived losing our Mom to cancer, I survived losing a big part of my savings & my sons’ during my annulment, I survived as a single parent raising a child in the autism spectrum as well as an 8 year old who is even more opinionated than me, and I survived all the venom thrown at me on social media throughout the campaign & PNoy’s presidency, but I remain one of our country’s top taxpayers, I still endorse & represent so many top brands & institutions, I’ve donated & built homes, schools, and Churches, and I’ve given numerous educational assistance to students & seminarians. In other words, I’M GREAT AT SURVIVING, been doing it my whole life.)”

Marami ang nakaintindi o nakauunawa, at mas marami ang mga nagmamahal kay Kris batay na rin sa buhos ng mga komento, pero hindi maiwasang may patuloy na mam-bash sa kanya.

Samantala, nagsimula nang mag-shooting si Bimby sa MMFF 2015 entry na All You Need is Pag-ibig noong Biyernes.

Kuwento ni Kris Aquino sa kanyang earlier post, hindi niya sinamahan si Bimby sa shooting para maging at ease ito kay Jodi Sta. Maria na gaganap na ina ni Bimby sa nabanggit na pelikula.

“Jodi as his mom and @chinitaprincess (Kim Chiu) as his tutor/crush,” sabi ni Kris na nag-post pa ng picture nina Bimby at Kim at nilagyan ng caption na “2 of my SUPER LOVES, magka-birthday pa (April 19, 1990 & April 19, 2007) #Bimb & @chinitaprincess. #AllYouNeedIsPagibig.”

Dagdag na kuwento ni Kris, nag-blowout si Bimby sa staff ng Star Cinema movie ng food galing sa Chowking Ali Mall na co-owner si Kris.

Samantala, naka-upload na ang lahat ng video sa katatapos na APEC at sa mga gustong mapanood ang videos, log on to www.withlovekrisaquino.com. (NITZ MIRALLES)