BAGUIO CITY - Natiklo ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera, sa isinagawang buy-bust operation, ang dalawang babae dahil sa pagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana, na nagkakahalaga ng mahigit P500,000, sa may Slaughter Compound sa Baguio City.

Kinilala ni PDEA-Cordillera Director Juvenal Azurin ang mga nadakip na sina Angielyn Paclay, 28; at Sharon Duangan, 19, kapwa tubong Tinglayan, Kalinga, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Lubas, La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Azurin, nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang marijuana bricks na may bigat na 2,000 grams; marijuana stalks na may timbang na 3,000 grams; at isang bar ng marijuana hashish na may timbang na 100 grams, na sa kabuuan ay may street value na P580,000. (Rizaldy Comanda)
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?