PARIS (Reuters) — Kabilang ang pinaghihinalaang utak ng Islamic State sa mga pag-atake sa Paris sa mga napatay sa isang police raid sa hilaga ng kabisera, kinumpirma ng France noong Huwebes, winakasan ang paghahanap sa most wanted man ng Europe.

Sinabi ng mga awtoridad na nakilala nila ang luray-luray na bangkay ng Belgian national na si Abdelhamid Abaaoud sa mga fingerprint nito pagkatapos ng raid at barilan noong Miyerkules na ikinamatay ng dalawang katao kabilang na ang isang babaeng suicide bomber.

“The spider in the web is no longer a danger,” sinabi ni Belgian Justice Minister Koen Geens, tinawag itong “breakthrough”.

Natagpuan ang kanyang bangkay na tadtad ng butas sa ilalim ng mga guho matapos ang paglusob noong Miyerkules, sinabi ng Paris prosecutor sa isang pahayag, idinagdag na hindi pa malinaw kung si Abaaoud ay nagpasabog ng suicide belt.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang Moroccan-born na militanteng Belgian, 28, ang inaakusahang nagplano ng magkakaugnay na pambobomba at pamamaril sa French capital noong Nobyembre 13, na ikinamatay ng 129 katao. Pitong suspek ang namatay sa mga atake at nakatakas ang ikawalo.

Si French Prime Minister Manuel Valls ang nagbalita ng pagkamatay ni Abaaoud sa parliament noong Huwebes at nagpalakpakan ang mga French lawmakers na bumuboto para palawigin ang state of emergency ng tatlong buwan.

“We know today ... that the mastermind of the attacks - or one of them, let’s remain cautious - was among those dead,” ani Valls sa mga mamamahayag.