STOCKHOLM (AFP) — Inaresto ng Swedish police noong Huwebes ang isang lalaki na pinaghihinalang nagpaplano ng “terrorist attack” matapos ang dalawang araw na manhunt.

Ang Iraqi na si Mutar Muthanna Majid ay nasukol sa tanghaling paglusob sa isang centre para sa asylum seekers sa hilagang silangang lungsod ng Boliden nang walang insidente, ayon sa security services.

Nasa high alert ang Sweden nang mamatay ang 129 na katao sa mga pag-atake sa Paris noong Biyernes na inako ng grupong Islamic State.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM