Ikinagalak ng kampo ni Senator Grace Poe-Llamanzares ang resulta ng huling survey ng Pulse Asia, dahil halos doble ang kanyang lamang sa pumangalawang presidentiable na si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Poe, ito ay patunay na hindi naniniwala ang kanyang mga tagasuporta sa mga maling impormasyon na umano’y ipinakakalat ng kanyang mga kalaban sa pulitika upang idiskaril siya sa 2016 elections.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang disqualification case na inihain laban sa kanya, umani pa rin si Poe ng 39 na porsiyento sa hanay ng mga presidentiable sa 2016. Ang survey ay isinagawa noong Oktubre 18-29, na 3,400 respondent ang tinanong ng Pulse Asia.

Ang katambal ni Poe na si Sen. Francis “Chiz” Escudero ay nangunguna rin sa Pulse Asia survey ng vice presidentiable.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The survey clearly shows that the Filipino public did not subscribe into the black propaganda and negative campaign launched against Sen. Poe,” pahayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ng Team Galing at Puso candidate.

Aniya, pinapatunayan din ng survey result na nakatutok ang karamihan ng Pinoy sa adbokasiya ng isang kandidato sa halip na pumatol sa paninira ng ilang pulitiko, lalo na nang isagawa ang survey sa kasagsagan ng paghahain ng mga disqualification case laban kay Poe.

Kamakailan, ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang petisyon na inihain ni Ang Kapatiran presidential aspirant Rizalito David na kumukuwestiyon sa citizenship ni Poe, sa botong 5-4. (Hannah L. Torregoza)