Naniniwala si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na pulitika ang dahilan sa pagboto ng limang senador sa pagbasura sa disqualification case na inihain laban kay Senator Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal (SET).

“Namulitika lang sila,” pahayag ni Duterte sa panayam ng media, hinggil sa limang senador na bumoto pabor kay Poe.

Sa botong 5-4, ibinasura ng SET ang disqualification case na inihain ng talunang senatorial candidate na si Rizalito David na kumuwestiyon sa citizenship ni Poe, na aminado na siya’y isang ampon.

Kabilang sa mga bumoto pabor kay Poe sina Senators Pia Cayetano, Loren Legarda, Cynthia Villar, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV at Vicente Sotto III.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Habang ang apat na bumoto para madiskuwalipika si Poe ay sina Sen. Nancy Binay, Senior Justice Antonio Carpio, Associate Justice Leonardo de Castro at Associate Justice Arturo Brion.

“Wala ko makaangay sa desisyon sa SET nga mipabor kay Senator Poe (I do not like the decision of SET favoring Senator Poe),”giit ni Duterte.

Pinasaringan din ni Duterte si Cayetano: “Abogada man unta, namangka ‘yan sa dalawang ilog (She’s a lawyer, she’s boating on two rivers)”.

Pinuri naman ng alkalde sina Carpio, De Castro at Brion sa kanilang naging desisyon sa kaso na aniya’y ibinatay sa legalidad at hindi nagpaimpluwensiya sa pulitika. (Alexander D. Lopez)