KUALA LUMPUR, Malaysia — Sariwa pa mula sa pagiging punong abala ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Manila, sisimulan ni Pangulong Benigno Aquino III ang misyon na ibahagi ang istorya ng paglago ng bansa at isulong ang mapayapang resolusyon sa territorial conflict sa South China Sea sa pagdalo niya sa isa pang regional forum dito.

Kasama ang ilang miyembro ng gabinete, nakatakdang dumating si PNoy sa Kuala Lumpur sa Biyernes ng gabi para sa tatlong araw na pagbisita na kabibilangan ng pakikilahok sa 27th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit at iba pang mga kaugnay na pagpupulong ngayong linggo.

Ito ang magiging huling paglabas ni Aquino sa ASEAN bago magtapos ang kanyang termino sa susunod na taon.

“The President has a lot to share: Number one, the President can share the good news about the Philippine economy.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

The Philippines is going very fast, in fact, it’s one of the growth drivers in ASEAN as well as for our region,” sabi ni Philippine Ambassador to Malaysia Jose Eduardo Malaya III sa isang panayam ng media.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng Southeast Asia at iba pang dialogue mga partner, inaasahang muling pagtitibayin ng Pangulo ang pangangailangan para tiyakin ang maritime security, stability, at freedom of navigation and overflight sa South China Sea.

Sinabi ni Malaya na posibleng bibigyang diin ng Pangulo ang desisyon kamakailan ng Hague-based arbitral tribunal na mayroon itong jurisdiction sa kaso ng Manila.

“We have been right in saying all along that this is an issue which should be decided on the basis of international law particularly UNCLOS (1982 United Nations Convention on the Law of the Sea) so even on those two points alone, I think, it is very important that the President comes over and attend this summit,” aniya.

Naniniwala si Malaya na makikinig ang mga miyembro ng ASEAN sa posisyon ng Pangulo sa maritime conflict “because we have in a sense, already hurdled successfully the first test.”

“And what we are seeing now, there are a number of ASEAN countries who have turned around and have also, in a raise their voice, with respect to their concerns about what is taking place in the South China Sea and including, of course, our West Philippine Sea portion of it,” dagdag niya.

Balak din ng Pangulo na magpaalam sa mga lider ng ASEAN at pasalamatan sila sa kanilang suporta at ayuda sa Pilipinas sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Sinabi ni Aquino, sa isang panayam kasama ang foreign press nitong nakaraang buwan na, ituturing niya ang ASEAN summit “as an opportunity to bid farewell to my colleagues there, to say thank you for all of the help, the assistance, the closer cooperation that they have demonstrated to us—the marked difference from the beginning and perhaps our status now as far as ASEAN is concerned.” (GENALYN KABILING)